Siksik na aksyon ang nasaksihan sa labang Jojo Cochoco at TJ Alberto sa Open Production sa pagpapatuloy ng 2014 MMF 15-leg D-Motocross Series nakaraang linggo sa Mx Messiah Fairgrounds (MMF), Club Manila East, Taytay Rizal. Matinding 2-1 record ang bitbit pauwi ni Alberto nang mabawian nito si Cochoco sa moto 2 ng karera. Sa kabila ng matagumpay na panimula, nahirapan ang D-Motocross leg 1 champ Cochoco dominahin ang moto 2 ng ikatlong leg. “Sa moto 1, mula simula hanggang finish ako ang nauuna. Kaso noong moto 2, pangatlo ako sa...