Masasaksihan muli ang gitgitan at aksyon sa pagpasok ng pambato ng Davao Bornok
Mangosong sa ikatlong serye ng 2016 Diamond Motor Corporation Mx Series darating Mayo 7
sa Mx Messiah Fairgrounds, Taytay Rizal.
Matapos ang dalawang serye ng pagmamayagpag ni beteranong Glenn Aguilar sa pro open
category, kaabang-abang ang pagsulpot ni Mangosong sa bakbakan.
“Throughout the years na kumakarera ako, I learned many things and encountered difficulties
along the way. They all made me stronger and smarter as a rider,” sabi Ni Mangosong. “You will
see a more matured and relaxed Bornok. The biggest change that happened in me is my
relationship to the Lord. He made me unstoppable,” dagdag Ni Mangosong, miyembro ng UA
Mindanao.
Di din magpapahuli sa muling paghaharap nina Ralph Ramento at Enzo Rellosa sa prolites
division.
“My expectations for this leg is to have a good start and race with the top guys at the
front. I’m preparing myself through proper body conditioning and cardio,” ika ni Ramento, wagi
sa dalawang leg ng prolites.
Ilan pa sa mga category na sasalihan ay ang Amateur open production, Executive class, Kids
85cc, Kids 65cc, Kids 50cc, Open underbone, Local enduro at ang MMF Academy.
Ang karera sa pangunguna ng Generation Congregation ay suportado ng Diamond Motor
Corporation kasama ang Wheeltek, Dunlop tires, Pilipinas Shell Petroleum Corporation, Coffee
Grounds, Xtreme Adrenaline Sports Entertainment Co. at PTT Philippines Corporation. Bibida
din ang bandang Silent Sanctuary, Brisom, at Firefalldown sa concert kasabay ng laban.