Sponsor Ads Here

MX Messiah

IMG_5466

Kaabang-abang ang muling paghaharap nina 16-time Rider of the Year Glen Aguilar kontra kay

Bicolano Enzo Rellosa, at pambato ng Mindanao Doy-doy Bandigan sa ikalawang yugto ng 2016

Diamond Motocross Series ganap ika-2 ng Abril sa Mx Messiah Fairgrounds, Club Manila East.

Walang kakupas-kupas, dinomina ni Aguilar (2-0) ang unang yugto ng Pro open production

matapos pakainin ng alikabok ang mga binatilyo noong ika-27 ng Pebrero.

“I’m here trying to make the pace faster for the next generation. There is actually nothing to prove

but to make them strive more to improve,” ani Aguilar, tinatawag din na ‘goat’ sa motocross.

Bagamat kwarenta na, nanatiling matikas ang beteranong Aguilar sa bakbakan at hindi

nagpapahuli sa bilis at liksi ng mga kabataan. Sinurpresa naman ni Bandigan ang madla nang

pumwesto siyang pangalawa sa moto 2 at pang-apat sa moto 1.

Samantala, umariba din si Jepoy Rellosa, kapatid ni Enzo, sa pro lites production laban sa FEU

student Ralph Ramento at Mclean Aguilar, anak ni Glen.

Inaasahang titindi ang tensyon sa pro lites sa pagbawi ng batang Aguilar matapos nitong

makaranas ng mechanical issues dahilan para hindi nito matapos ang karera.

Ilan pa sa hinihintay na paghaharap ay sa ladies category na pinagbidahan ni Janelle Saulog sa

unang leg kontra kay Pia Gabriel ganoon na din ang tumitinding bakbakan sa motocross legends

Jolet Jao at Jing Leongson sa veteran class.

Ilan pa sa mga category na ipagpapatuloy ay ang executive open, amateurs open, kids 50cc,

65cc, open underbone, open local enduro,at MMF Academy para sa mga baguhan sa isport.

“Nais din namin bigyan mg pagkakataon ang mga bagong manlalaro na maexpose sa laro at

magamit nila ang natutunan nila sa MMF Academy. Ang lahat ng laro ay point system.,” sabi ni

Samuel Mark Tamayo, Director ng Generation Congregation.

Samu’t saring pakulo ang ihahanda ng mga isponsors sa pit party. Kasabay din nito ay ang

concert blowout nina Firefalldown, Typecast at Imbue no Kudos.

Ang ikalawa sa limang karera ay sinuportahan nina Diamond Motor Corporation, Wheeltek,

Dunlop Tires Philippines, Coffee Grounds, Xtreme Adrenaline Sports Entertainment Co., PTT

Philippines Corporation at Munisipyo ng Taytay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *